ABOUT THE INITIATIVE
Ano ang PROJECT RIZA Initiative?
Ang PROJECT RIZA, o Resource and Interactive Zone for Araling Panlipunan, ay isang Learning Management System na binuo upang gawing mas accessible ang mga learning materials para sa mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan, nakatuon ang platform sa Araling Panlipunan 8, kung saan maaaring mag-register ang isang learner upang magkaroon ng access sa mga lessons at quizzes na makatutulong sa pag-aaral, pag-review, at mas malalim na pag-unawa sa mga paksang tinatalakay sa klase.
Hindi layunin ng PROJECT RIZA na palitan ang classroom instruction. Sa halip, nagsisilbi itong karagdagang learning space na maaaring balikan ng mga mag-aaral kapag kailangan nilang muling basahin, pag-aralan, o unawain ang isang aralin.
From School-Based Project to Collaborative Learning Platform
Nagsisimula sa Paaralan. May Layuning Lumawak.
Sa kasalukuyan, ang PROJECT RIZA ay isang school-based project implementation na nakatuon sa pagbibigay ng learning resources para sa Araling Panlipunan 8.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang vision ng proyekto.
Nilalayon ng PROJECT RIZA na mahikayat ang iba pang mga guro na maging bahagi ng platform sa pamamagitan ng pag-upload at pagbabahagi ng sarili nilang lessons at learning resources.
Sa paglipas ng panahon, layunin nitong magkaroon ng learning materials hindi lamang para sa Araling Panlipunan kundi maging para sa iba pang learning areas at subjects.
Sa ganitong paraan, maaaring umunlad ang PROJECT RIZA mula sa isang teacher-led learning initiative tungo sa isang collaborative digital learning platform na pinagtutulungan ng mga educators.
Our Purpose
Making Learning Materials More Accessible
Pangunahing layunin ng PROJECT RIZA na makatulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang accessible na learning platform kung saan maaari nilang balikan at mas maunawaan ang kanilang mga lessons.
Nilalayon nitong:
- Gawing mas accessible ang learning materials;
- Suportahan ang classroom teaching sa pamamagitan ng online learning resources;
- Hikayatin ang independent at self-paced learning;
- Bigyan ang learners ng pagkakataong mag-review ng lessons;
- Makatulong sa mas malalim na pag-unawa sa mga paksa sa Araling Panlipunan;
- Gamitin ang teknolohiya bilang karagdagang paraan upang mapalawak ang learning experience ng mga mag-aaral.
Vision for Expansion
From One Classroom to More Learning Communities
Bahagi ng pangmatagalang direksyon ng proyekto ang maipakita ang PROJECT RIZA bilang isang modelong maaaring i-benchmark ng ibang mga paaralan sa ilalim ng Division of Ozamiz.
Sa pamamagitan nito, maaaring maibahagi ang mga natutunan mula sa implementation ng proyekto at mahikayat ang mas maraming educators na gamitin ang digital platform bilang suporta sa teaching and learning process.